Thursday, February 16, 2012

Alamat -Tubig ...Maalat

     Noong unang panahon sa isang baryo ay may isang higante na kaibigan ng mga tao doon,Siya ay si       Angalo.Maraming tao ang natutulungan niya sa baryong iyon sa pamamagitan ng kanyang higanteng binti.  
      "Bilisan ninyo hayan na si Angalo"Sigaw ng mga tao.nagmamadaling pumunt ang mga tao sa 
 tabing dagat.
       Nagmamadaling inilagay ni Angalo ang kanyang binti na abot hanggang kabilang baryo.Ginagawa niya ito upang makatawid ang mga tao at makapagdala ng sako sakong isin sa kabilang ibayo,ito ang kanilang ikinabubuhay.
       Pagalaw galaw ang binti ni Angalo habang lumalakad ang mga tao dito,hanggang sa hindi na niya ito matiis ay bigla niya itong naitaas dahil sa mga linta n kumapit sa kanyang binti.Naghagisan ang dala dalang sako ng asin ng mga tao .Walang nailigtas kahit isa si Angalo.
       Simula noon naging maalat na ang tubig sa dagat.

1 comment: